Dalawang Uri ng Korapsyon at ang DepEd
“May
mga tao talagang ganid at sakim. Kahit mali gagawin, kahit mabuti hindi
gagawin.”
May
dalawang uri ng korapsyon ayon sa aking kamag-aral sa isang pamantasan sa
Quezon City. Ang isa ay tinatawag na “shared corruption” at ang isa naman ay “solo
corruption”. Ang shared corruption ay ginagawa ng mga taong nasa senado at
kongreso sa pamamagitan ng PDAF o mas kilala sa tawag na pork barrel. Gumagawa
ng mga iskolarship pero dinadagdagan ang bilang ng mga iskolar o kaya naman ay
dinadagdagan ang kanilang binibigay sa mga ito pero sa papel lang. Isa lamang
yon sa maraming halimbawa. Kaya buti pa daw ang PDAF, atlis na ipamamahagi.
Ngunit hindi ko sinasang-ayunan ang korapsyon. Sa kabilang banda, ang solo corruption
ay ginagawa ng mga nasa departamento, ang halimbawa ay DPWH, DepEd, BIR, custom
atbp. Ayon din sa naikwento sa akin mula sa isang nagtatrabaho sa “House of
Representatives”, kapag nagpapagawa ng libro ang DepEd, sa isang milyong piso,
700K ang sa kalihim ng departamento. 300K lang ang napupunta sa libro. Kung
totoo ito, mahiya-hiya naman sila. Kaya tinawag na solo corruption. Naaalala
nyo ba ang mga tinaguriang “euro generals”, sila ang pinakamainam na halimbawa
ng solo corruption. Sa kanila lang ang pera. Hindi naman sa gusto kong humingi
sa kanila pero ang kakapal ng mukha nila! Kaya isipin din kung dapat bang
idirekta ang PDAF sa mga departamento ng gobyerno.
Nagpuyos
ang aking damdamin kaya ko nagawang magsulat nito. Nais kong ipasiyasat sa
Commission on Audit ang mga proyekto ng DepEd sa buong bansa. Nagtataka ba kayo
kung bakit siksikan sa mga silid-aralan natin ngayon sa mga pampublikong
paaralan? Bakit kaya kalimitan ay hanggang ikalawang baitang lamang ang mga
gusaling ipinagagawa ng DepEd. Ito ay dahil takot silang kapag lumindol ay
mabisto sila na “substandard” lang ang kanilang mga pinagagawang silid aralan.
Kagagawa pa lang ng mga silid-aralan ay may malalaking crack na kaagad.
Alam
nyo ba na target ng DepEd na magpatayo ng 90K na palikuran sa buong bansa? Kaya
nga napakaraming CR na ginagawa sa mga paaralan ngayon. Tinutulungan sila ng
lokal na pamahalaan sa pagpapatayo ng mga iyon. At alam nyo ba kung magkano ang
halaga ng isang CR? Hindi pa ito kumpirmado pero ang balita ko sa isang padrino
ng kontrata sa mga proyekto ay 600K ang isang gusali ng CR. Pwede ka nang magpagawa
ng magandang bahay niyan! Muli kung tama ito ay ang kakapal ulit ng mga mukha
ninyo! May kontraktor na, ipapa-subcon pa ulit sa subcon ng subcon ng subcon? E
di tataas nga ang halaga ng mga proyekto. Nasaan ang pera? Sinolo ninyo!
Commission on Audit, galaw-galaw din pag may time. Huwag magbulag-bulagan.
Online Casino - Kadang Pintar
TumugonBurahinWelcome to the world of online casino gaming with an exciting choice of games, instant play, and 온카지노 mobile payments. Play free, real money casino games